12.06.2008

new baby

dumating na yung helmet ko..2 weeks ago ko pa inorder online grabe kanina lang dumating..shempre naexcite naman ako buksan ung box..pangalawang helmet ko na ito...ung first helmet ko, i named her "helmie" (ang corny no?!)..my friend accidentally dropped her..wala namang major damage kaso ang sabi dun sa parang manual nya na if you dropped it don't use it again kahit walang damage kasi di na sha safe..ayoko naman i take ung chance...wala naman akong plano bumili ng helmet dahil medjo malamig na dito and winter is coming so hindi muna kmi magbibike (di ko alam kung bike ang tawag o motor..sa pinas kasi tawag motor while dito bike tawag) ni boyplen..hindi po ako ang nagbibike, umaangkas lang ang beauty ko..ung maliit nga na bike di ako marunong pano pa ung malaki (mas malaki pa sakin)..opo mga friends di ako marunong magbike..ewan ko ba kung bakit di ako natuto nung bagets ako..gusto ko lang ung umaangkas..bukod sa nakahug kay boyplen iba ung feeling lalo na pag mabilis..iba ung rush na mararamdaman mo..i know it's not safe..shempre mega pray muna kami before umalis at pagdating sa pupuntahan namin..


Meet "helmie"

meet "pinkie" my new baby



sale ko sha nabili..50% off kaya mejo mura sha..sayang naman ung masasave ko kaya binili ko na sha..naexcite na ko isama sha sa mga joyride namin kaso baka sa march ko pa sha magamit kasi di ko kaya yung lamig..sa ngayon nakadisplay muna sila..atleast di na mabobored si helmie kasi may kasama na sha..


ito naman ang Father dear nila..meet "BrandoN"



Yan naman ang baby ni boyplen..almost one year na rin ang baby nya..nakakumot pa yan sa gabi..

can't wait for our next joyride..sana magspring na para di na malamig...


pahabol:

congrats kay Pacman ..wawa naman face ni Oscar..TKO pa..

1 loves me:

Mike Avenue said...

Motor ang tawag dito. Bike jan. KAsi motorbike yan eh. HEhehe.

At hightech kasi jan, bike pa lang may motor na.

Ingat lang sa pag-angkas. Kakatakot iyan! Naku, hirap lalo pag dalawa kayo.

 
LoV - A - LoT © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina