12.31.2008

bye 2008...hello 2009...

HAPPY NEW YEAR!!!

grabe bilis ng panahon..2008 is almost over (i mean 10 hours nalang)..say hello to 2009...new year new chapter..super dami ang nangyari sakin this 2008..some of them are not that nice while some of them naman are nice naman..

highlights of my 2008:
April - i graduated from nursing school..(sandamakmak na luha, pagod at puyat bago ako nakagraduate..i'm about to give up pero sabi nga nila fight lang ng fight.)
May - June - my well deserved vacation sa pinas...(super enjoy at fun to be with my family and friends again)..medjo bitin ung vacation ko pero pwede na din..super sinulit ko ang stay ko sa pinas...
December - i've passed the nclex..lahat ng pagod puyat at sacrifice ko is nagbunga...
- i started this blog...

yan lang naman ang highlights ng 2008 ko..konti sha compared sa ibang tao pero i can say na my 2008 is so fruitfull...may mga bagay akong nagawa na di ko expect na i can do it pa pala...may mga pinagsisihan din ako this past year kaso i can't do anything na para mabalik ung past..dami kong natutunang valuable lessons in life from that experience...now i can say na i'm a better person, a stronger person..i want to thank the Lord for all the blessings na binigay nya..thank you sa family ko dahil even though di kami sama -sama i know na we still love each other and we'll always be there para sa isa't isa, salamat sa friends ko (dito at sa pinas) for being there, sa pagtyatyaga sa mga tantrums at kabaliwan ko (i love you guys!)...salamat din sa mga new friends ko sa blogging world..lastly salamat kay papa Pat for being there inspite of everything..i know madami akong pagkukulang but still you stood beside me padin..i love you baby boy!

as 2009 approaches iniisip ko kung ano magiging resolution ko this year..yearly may resolution ako pero di ko naman natutupad..siguro i'll call it nalang my plans for 2009 (para maiba naman)

- be slimmer (kailangan ko pumayat!!ayokong umuwi sa pinas na muka akong lumba lumba)
- spend more time with my family in pinas..i know medjo mahirap ito (at higit sa lahat magastos) pero i'm planning to go home twice (around march or april and december)
- work, work, work...para may pang-uwi sa pinas..
- be more matured..try ko (try ko lang ha) hwag na magtantrums...
- be a good girl..medjo mahirap ito dahil sa mga temptation pero promise ko sa sarili ko i'll be a good girl na..
- to have more friends sa blogging world..

i wish everybody a safe and fruitfull 2009...

12.26.2008

pasko, paksiw

grabe nilalangaw na ata blog ko..pasensha na po kung di nakapagblog..medjo may pinagkaabalahan lang this past days..

belated happy pasko sa lahat...

musta pasko nyo??okay naman christmas ko..happy naman..i spend christmas eve with pat's family...asa pinas kc whole family ko..his family is nice.ung parents nya super cool...they treat me na as their daughter..ung mga bro nya super nice din..we went to church then we had noche buena..grabe dami ko nakain (partida nahihiya pa ko nyan..hehehe)..kahit matagal na kami nahihiya padin ako sa family nya lalo na kapag andun kmi sa bahay nila...tapos 25th we went to our friends house..magisa lang din kasi sha..nag potluck kmi then nagchip-in kami to buy lechon..grabe sarap ng malutong na balat..yummy..daming food...may chicken, caldereta, laing, menudo, rice, ham, different desserts..gumawa si babols ng sisig..super sarap..dami ko nakain..sira nanaman diet ko..shempre di din mawawala ang alak..may mga nalasing...after lunch we had games..every year nagchichip in din kmi to buy prizes..this year we want it to be different..imbis na nonsense gift ang prize we thought of giving foods (rice, canned goods, and some necessities) as prizes..lahat naman nagenjoy sa prize..nanalo kmi ni pat ng 25 lbs of bigas..im so happy kasi mahal na bigas eh..hehehe..after the games exchange gift na then inuman na...we finished late na din so everybody decided na mag sleepover na since most of us are off the next day...

Pat gave me a couch bag...shempre natouch ako kasi this past month i've been eyeing on that purse kaso sabi ko next time ko nalang sha bilhin kasi medjo mahal...i love the purse and shempre i love him din..i gave pat naman a new leather black jacket...terno sha sa big bike nya..im so happy kasi nagustuhan nya ung gift ko kahit sale ko sha nabili..

my family may not be here this past holiday pero kahit ganun i still have pat, his wonderful family and our 'kada na parang pamilya ko na din..next year for sure asa pinas me for holiday..pat promised me that we'll spend christmas and new year sa pinas naramdaman daw nya kasi na di ako masyadong happy and he knows daw un lang makakapagpasaya sakin...

kayo, how did you spend ur holiday???

12.21.2008

dooonut bai

grabe this past week i was so low..feeling ko may seasonal affective disorder na ako..or siguro because of holiday blues..di naman sa ayoko ng christmas it's just that i'm not into it tulad ng ibang people..i don't know..maybe because of my childhood kaya ganun..i never experienced celebrating holiday with a complete family..i was 2 years old nung nagabroad na daddy ko..it was my childhood wish na mabuo kami pro hanggang ngayon unfortunately di pa din natupad hanggang sa naggive up na ako..siguro God has a better plan for all of us..anyway, dahil sa kapraningan ko this past days nagaway kmi ni boyplen nung friday..nagkataon na mainit ulo nya at nagiinarte ako..ayun ang end up "away"..nagwalk out sha without saying a word..wala na akong nagawa kundi umiyak..then saturday morning nagtext sha:

PAT: =)
LoV: morning!
PAT: sori po
LoV: for what? (patay malisya kunyari)
PAT: for walking out, for being immature..
LoV: ah ok..ayus lang un..(wala talaga ako sa mood makipagtext)
PAT: u want to eat out
LoV: no thanks..(alam nya na lumalambot puso ko basta may food pero this time deadma ako)

then di na sha nagreply..so deadma na ako..i just stayed the whole day sa bahay..he'll call me once in while to check if im okay..sinasagot ko naman..then sunday came nagchurch ako ng morning (oo magisa lang ako nagsimba..ayoko ng may kasama that day..praning talaga ako)..paguwi ko may krispy kreme donut sa dining table ko then my note..(di ko mahanap USB ng cam ko kaya di ko maupload ung pic ng note)..sabi sa note:

LoV,
i'm sorry..bati na tyo..donuts for my baby...
love you so much..
Pat

alam nya na fave ko krispy kreme, ewan ko ba biglang lumambot puso ko..parang nakalimutan ko lahat ng kapraningan ko..narealize ko na OA na ako..nadadamay na ibang tao..i called him to say sorry..tapos habang kausap ko sha may nag knock sa door ko..sha pala..di pa sha umuwi..nakapark lang sha malapit samin..hinihintay talaga tawag ko..i just hugged him tight..bigla ko shang namiss..i asked him kung gaano nya ako kamahal..he said "imagine mo na umuulan then saluhin mo ung rain ng kamay mo..ung mga hindi mo masasalo ganun kita kamahal"..kinilig naman ako..this past day sha ung pinaka naapektuhan sa attitude ko..i hope this coming week will be a better week..

i just realized one thing ...damn!!donut lang pala katapat ko!!

12.17.2008

TAG - lungkot..

i feel lil bit better..i don't know bakit this past days i was so sad...super thank you sa mga nagiwan ng comment..salamat sa cheer up..natouch me..
tagal ko pla di nakapagblog..nasira kasi laptop ko..nireformat ko pa..kakainis lang nawala lahat ng file kasama mga pics ko since 2006..pics from school, pics ng family, pics namin ni boyplen at higit sa lahat MGA pics nung vacation ko sa pinas...waaahhh..
im so happy to be back..
ni-tag ako ni "LORD CM"...di ko lam sino itatag ko kasi konti palang naman friends ko..
“The rules are simple. Use Google Images to search for the answers to the questions below. Then you must choose a picture in the first page of the results and post it as your answer. After that tag 7 people.”


1. the age of my next birthday

(kakaturn ko lang ng 26 last month..i'll be 27 next year..tanda ko na pala..)

2. Place I would like to travel

(shempre pinas gusto ko puntahan..love ur own...)


3. My favorite place

(i love to go to different restaurant..kahit anong kind game ako..)

4. My favorite thing

(it's hard to live without lappy and cellphone..)

5.My favorite food

(I so love kare - kare..gugutom tuloy ako..)

6. My favorite color

(baby pink is my color..i like anything basta pink)
7. The city i reside now

(dito ko ngayon sa lungsod ng San Francisco, estado ng California, bansa ni uncle sam..)

8. the city I was born

(i was born and raised in Las Pinas City, Philippines)

9. My college major

(first major was BS Psychology, graduated 2003..i just finished my nursing last may 2008..sipag ko pala magaral o masipag lang ako mangopya..hehehe)

10. Name of your first love

(first love??si joven po..high school jowa ko..asan na kaya sha ngayon??)

11. A bad habit


(i love eating sa mga resto kahit minsan may food naman sa house gusto ko labas parin..i think bad habit na yon.)

12. My hobby

(mahilig ako matulog..sabi nga nila talent ko yan..i can sleep the whole day..antukin kasi ako o kaya sadyang tamad lang)

13. My wish list

(right now, i need peace of mind un lang..pag meron ako nyan everything will follow..)

ngayon, sino naman kaya itatag ko..hmmm...

sige, nitatag ko sina BLOOM, JAY, PAJAY, A.R.D.Y.E.Y., YIN AT MIKE of I EXIST..un lang po..


12.12.2008

: (

i should be happy..di ako dapat ganito..dapat masaya ako..pero bakit ganito


I'M FREAKIN' SAD!!!..


to the highest level..


i feel like cryin'...


will somebody help me..
pahabol: sorry kung di me nakakapagblog hop..bawi ako bukas..

12.11.2008

i did it!!

i'm so happy..
I passed the boards...
thank God!!
salamat sa lahat ng nagpray..
it's work, work and work time...
sana pumasa din sha...

12.10.2008

tanong lang...

Sinamahan ko ung friend ko na si babols kanina sa mall...chikahan at foodtrip kmi kanina...napunta ang aming chikahan sa tanong na:


"ang taong mahal ka
o
ang taong mahal mo???"
napaisip tuloy ako..anu nga ba ang mas nakakabuti?taong mahal mo o taong mahal ka?..sabi ni babols sha daw dun sha sa taong mahal sha dahil dadating din ang panahon na madevelop sha..sabay react ako "pano kung di ka madevelop??"..di nakasagot ang loka at nagaya nalang kumain ng ice cream (kahit super lamig na dito)..paguwi ko napaisip ulit ako..anu nga ba ang opinyon ko dito..tinanong ko si boyplen sabi nya dun daw sha sa taong mahal nya..di na ako nagtanong kung bakit..sabi ko di ba pede pareho..di ba mas maganda kung mahal mo ung tao tapos mahal ka din nya...sabi nya di naman daw sa lahat ng pagkakataon eh mutual ang feeling..may mga tao at pagkakataon daw na kailangan magdesisyon..ang hirap naman pag ganun sitwasyon..buti nalang kahit pano may konting swerte ako..di ko kailangan magdesisyon ng ganyan..



kayo anong pananaw nyo??share nyo naman..

12.08.2008

weekender

weekend recap:
12/06/08

  • dumating na si pinkie..so happy..
  • nanalo si pacman..dami nanaman datung ng lolo mo..
  • nag-bbq kmi...grabe sarap..samahan mo pa ng oyster with lemon..yummy..
  • shempre pag may laban si pacman mawawala ba ang inuman..
  • bagong balik ung friend ko from manila, ang pasalubong nya samin Lambanog bubble gum flavor..
  • i was drunk..(opo nalasing ang beauty ko at sampu ng mga kaibigan ko)..kasalanan ni pacqiao ito..hehehe...
  • sleepover sa house ng friend ko..buong tropa sleepover kasi wala ng makapagdrive..
  • first time ulit nagenjoy after review and exam..
  • share ko lang, nakakatawa si boyplen, gulat sha paggising nya..katabi nya si bebot..sabi nya sakin bakit daw ang huli nyang naalala nung night na un is ako ang katabi nya then paggising nya katabi na nya si bebot (gay friend nmn na may pagnanasa sa kanya)..napraning naman ang lolo nyo..(actually khit ako di ko lam pano nangyari un..)

12/07/08

  • nagising ng may matinding hang over..iba tlga tama ng lambanog chaka hennessy..hmp..
  • nagbreakfast ang buong tropa sa dennis..di naman ako makakain ng maayos...
  • nagpahinga muna ng konti then bloghop..
  • nabasa ko sa blog ni BLOOM na namatay na daw si marky cielo..grabe di ako makapaniwala..ang bata nya pa..infairness cutie pie sha..may his soul rest in peace..
  • kachat ang mga sisteret sa pinas..namiss ko sila bigla.. :(
  • went to church..pasalamat kay Lord sa lahat ng blessing chaka hingi din ng guidance and strength..
  • dinner kmi ni boyplen..tapos uwi na kasi may work na ko the next day..

un lang naman po ang pinagkaabalahan ko last dayoff/weekend ko..tiring pero masaya naman..kayo kamusta naman weekend nyo??

12.06.2008

new baby

dumating na yung helmet ko..2 weeks ago ko pa inorder online grabe kanina lang dumating..shempre naexcite naman ako buksan ung box..pangalawang helmet ko na ito...ung first helmet ko, i named her "helmie" (ang corny no?!)..my friend accidentally dropped her..wala namang major damage kaso ang sabi dun sa parang manual nya na if you dropped it don't use it again kahit walang damage kasi di na sha safe..ayoko naman i take ung chance...wala naman akong plano bumili ng helmet dahil medjo malamig na dito and winter is coming so hindi muna kmi magbibike (di ko alam kung bike ang tawag o motor..sa pinas kasi tawag motor while dito bike tawag) ni boyplen..hindi po ako ang nagbibike, umaangkas lang ang beauty ko..ung maliit nga na bike di ako marunong pano pa ung malaki (mas malaki pa sakin)..opo mga friends di ako marunong magbike..ewan ko ba kung bakit di ako natuto nung bagets ako..gusto ko lang ung umaangkas..bukod sa nakahug kay boyplen iba ung feeling lalo na pag mabilis..iba ung rush na mararamdaman mo..i know it's not safe..shempre mega pray muna kami before umalis at pagdating sa pupuntahan namin..


Meet "helmie"

meet "pinkie" my new baby



sale ko sha nabili..50% off kaya mejo mura sha..sayang naman ung masasave ko kaya binili ko na sha..naexcite na ko isama sha sa mga joyride namin kaso baka sa march ko pa sha magamit kasi di ko kaya yung lamig..sa ngayon nakadisplay muna sila..atleast di na mabobored si helmie kasi may kasama na sha..


ito naman ang Father dear nila..meet "BrandoN"



Yan naman ang baby ni boyplen..almost one year na rin ang baby nya..nakakumot pa yan sa gabi..

can't wait for our next joyride..sana magspring na para di na malamig...


pahabol:

congrats kay Pacman ..wawa naman face ni Oscar..TKO pa..

12.05.2008

5 years and counting

happy anniversary sa sarili ko..limang taon na ako dito sa bansa ni uncle sam..in that five years dami na din ngyari at dami kong natutunan..at first i'm quite hesitant na pumunta dito..but since maoover age na ko that time i don't have any choice but pumunta dito..since kasama ko nmn family ko eh di go na ang beauty ko..ang hirap magadjust..super nagbago life at lifestyle ko..namiss ko barkada ko..namiss ko traffic at pollution sama mo na ang init ng pinas..after a while my parents decided na pabalikin muna sa pinas ang mga sisteret ko at dun icontinue ang studies nila..ayaw kasi nila dito magaral..so go ang mga sisteret sa pinas with mother dear..aba next thing i know stay muna din daw si mother dun..apply nalang daw sila ng re entry permit (6 months lng kasi max na pwede ka lumabas ng US.pero pag may re entry max of 2 years pede)..at first parang gusto ko na din bumalik muna kaso nasayangan naman ako sa opportunity ko dito..pagkatapos ng ilang bwan na pasyal pasyal naghanap na ko ng work..sa awa at tulong ni Papa God nakahanap naman ako..unti unti na akong nakaadjust tapos nagkafriends na din ako..bonus na din na puro pinoy friendly friends ko..nakilala ko na din si Pat...then nagdecide si father dear na magmove sa ibang state...i decided na magstay dito sa frisco..ayoko na magadjust ulit at shempre dahil na din kay boyplen...okay naman ako dito kasi may work naman ako i guess mabubuhay naman ako..go si father sa ibang state while ang beauty ko stay sa frisco..at first mahirap magisa lalo na kung nasanay ka na may kasama..i need to work para may pambayad ng bills, bahay at kung anu ano pa..
okay nmn ung munting tirahan ko..asa silong ako (in-law ang tawag dito)..kumbaga ung garage nila ginawan nila ng parang isa pang bahay...it's a one bedroom inlaw..i have my own bathroom, own mini sala, own mini dining room at own kitchen (oo mini lahat!!sabi nga nila dahil mini lang din naman ako).okay naman ako..natuto ako magbudget ng money,maglaba (shempre with the help of washing machine and dryer), magtiklop ng damit, maglinis ng bahay (sama mo pa banyo) at higit sa lahat magluto..sa pinas kasi asa lang sa yaya lahat..

every year umuuwi ako sa pinas with pat (ayaw ako pauwiin magisa dahil baka daw maghasik ako ng lagim..hehehe) para magrelax at makasama sina mader at mga friendly friends ko..nakakapagod din magaral at magtrabaho (full time student at fulltime din po ko sa work dito)..atleast ngayon work nalang ako kasi tapos na school ko dito..medjo magaang na..excited na ako magmarch at december (next year pa po!!) kasi uuwi ulit ako pinas..dalawang beses ako uuwi (sosyal ko no?!!pinagiipunan ko pa po..kaya kung sino gusto magbigay ng donasyon pakiemail nalang po ako..hehehe) next year..ikakasal kasi si besprend ko at napromise ang lola nyo na uuwi sha..magastos umuwi pro masaya..di mapapalitan ng pera ang kasiyahan na makita at makasama ang malalapit sa buhay mo..(drama ko na ata..kakapanood to ng khit isang saglit sa TFC)

Pat, thank you for being there for me all these years..i really appreciate it..pasensha na kung minsan inaatake ako ng topak ko..aylabyu..



Papa God, salamat po sa lahat ng blessings na binibigay nyo..maraming salamat po at shempre aylabyu din po..



12.04.2008

kilig to the bone

grabe kinikilig ako..tagal ko na din di nafeel 'to..i was so tired from work...before ako magdisaapear sa work Pat called me asking if kumain na ko sabi ko di pa...wala din naman akong gana sa super pagod..i'd rather sleep and rest kesa magluto at kumain..nagaya sha kumain sa labas sabi ko next time nalang kasi i'm so tired then we hung up...then paguwi ko nagshower lang ako tapos higa agad sa kama...after an hour or so, feeling ko na may nagopen ng main door ko (he has the keys) i didn't check it kasi baka nappraning lang ako so in short deadma ang beauty ko...after a while i felt that i need to check my main door if it is locked..to my suprise he bought dinner for me...nagtake out si mokong sa fave chinese resto namin..nakita ko nalang na sinasalin sa plate ang mga food..here's our convo:

Love: (shock mode)oh bakit ka nandito.kala ko drop off mo sa work papa mo?
Pat: i did already..
Love: anu yang ginagawa mo? (patay malisya kunyari)
Pat: preparing your dinner
Love: okay. tulungan na kita.
Pat: No!balik ka na sa room.dalhin ko nalang dinner mo dun..i know your tired so let me do this..let me take care of you...
Love: ah okay..(kilig mode na ako dito)

shempre balik na ang beauty ko sa room at nood ng TFC...sinerve nya ung dinner ko in bed..grabe tagal ko na di nafeel ito..i miss our kilig moment..this past months kasi masyado kmi busy sa review and work..nawalan na kmi ng moments namin..then i told him na namiss ko ung ganito..nung bago kasi kmi he makes it a point na may kilig moment kami..then after four years nababawasan na..siguro masyado na kmi naging at ease sa isa't isa..he said sorry and he promised me na babawi daw sha...siguro nga we're both stressed sa exam and work...

i'm so happy..para akong hi skul na nakita crush nya..ito nga siguro ang kulang sa relationship namin kaya this past days eh naguguluhan ako..

we ended the day with a kiss (opo kiss lang..pagod kc ang beauty ko..heheheh)..di na sha nagpahatid sa door (which i usually do)..ilolock nalang daw nya ung door..before he left pinahiga na nya ko sa bed and see's to it na wala na akong kailangan..

i send a text message as soon na nakaalis sha...

Love: thank you for making me feel special..
Pat: i'll do everything for my queen..i love u so much...

actually kinikilig pa din ako habang ginagawa blog ko... feeling ko haba ng hair ko...abot ng pinas..



pahabol:
salamat kay BLOOM for welcoming (tama ba spelling?tinatamad ako mag spelling check) me sa blogworld at gumawa pa sha ng kaekekan sa blog nya..natouch ako super)salamat ng madami my labs..magkikita tayo sa march (may dala akong Victoria Secret..hehehe)..

i'm so happy kasi medjo dumadami na ang blogger friends ko..salamat sa mga dumadalaw at nagiiwan ng comment..SANA DUMAMI PA FRIENDS KO!!!

sensha na haba pala ng post ko..naenjoy ko dumaldal...

12.03.2008

money, money, money



ni-tag ako ni

BLOOM

, naawa ata sakin kasi super lungkot ng blog ko...

Ang mahiwagang tanong: ano daw gagawin ko kung isa akong taong hindi nauubusan ng PERA?

Aba ang saya naman kung ganun.sige iisa isahin ko kung anong gagawin ko sa moolah...

- shempre una bibili ako ng airplane para mas madali makauwi ng pinas..shempre di basta bastang plane..isang first class private na super fast plane..ung tipong imbes na 16 hours ung travel ko from here to pinas eh magiging 4 hours nalang..

- bibili ako ng island somewhere na may tropical climate...shempre may sariling airport ung island ko...

- bibili ako ng hospital..isa kasi sa hilig ko is magcollect ng iba't ibang sakit..atleast if i have my own hospital di na hassle..super first class service pa..

- bibili ako ng mall...para i can shop till i drop...

- bibili ako ng school..tapos may scholarship para sa mga kids na smart naman kaso wala moolah para magenroll...

- magdodonate ako sa mga NGO na related sa kids...i felt bad kc sa mga kids na sinasaktan at walang magulang..

- bibili ako ng 7 BMW para kay "Pat"..tagal na nya kc dream un..para matigil na din..hehehe

- bibigyan ko si mother dear ng moolah..bahala na sha kung ano gusto nyang gawin dun..

- bibilhan ko si father dear ng sarili nyang cruiseship with matching people working for him...sama nya mga chika babes nya...

- para sa 2 pretty sis ko bigyan ko sila ng tig isang mall (bukod pa dun sa mall ko)...pede na din dun sila tumira...

- bibili pala ako ng bahay shempre may lupa din..papatayo ko ang aking dream house...

- bibili ako ng bahay ampunan to shelter the unfortunate kids...

- higit sa lahat magshahare ako sa church bilang pasasalamat sa blessings na natatanggap ko...

random things lang yan na naisip ko if ever na madami akong moolah...

di ko alam sino itatag ko kc la pa nmn me masyadong friends...

pano nga kaya kung di ako nauubusan ng pera???


12.02.2008

love or need?

naguguluhan ako..nafeel nyo na ba ung feeling na di nyo alam kung mahal nyo ung tao o nasanay ka lang na anjan sha sa tabi mo...i'm committed with the same guy for the past four years named pat..mahal ko sha as in..feel ko nmn na love din nya ang lola nyo..i can say na sha ang nakapagpatino sakin...we've been through a lot..di ko nga expect na tatagal kmi ng ganito..pero bakit ganito nararamdaman ko..nakailang break up na kmi..di maguusap ng ilang araw tapos may isang susuko..di ko alam kung kaya ko na wala sha kc nga home alone ako dito (ibang story un)..sha lang ang meron ako dito..sha ang sandalan ko..pro minsan iniisip ko kung tama pa ba ito..am i staying in this relationship because i love him or because i need him or because nasanay lang ako na anjan sha??i know it's so unfair for him if i'm just staying because i need him..parang user naman ang labas ko nito..i dunno..i'm so confused..basta ang alam ko mahal ko sha what i don't know is the difference from love and im just used to it..i hope somebody can help me para maenlighten ako..


12.01.2008

yehey!!

after one year of thinking, finally i've decided to make my own blog..what makes me decide to make my own??..i just want a place wherein i can say everything i want to say...special thanks to my new cyber friend BLOOM for helping me set up my blog...salamat ng bonggang bongga..actually, i'm not sure if somebody will read my blog..pro sana nmn meron...sana rin i can meet new friends...so, un muna for now...

 
LoV - A - LoT © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina