12.05.2008

5 years and counting

happy anniversary sa sarili ko..limang taon na ako dito sa bansa ni uncle sam..in that five years dami na din ngyari at dami kong natutunan..at first i'm quite hesitant na pumunta dito..but since maoover age na ko that time i don't have any choice but pumunta dito..since kasama ko nmn family ko eh di go na ang beauty ko..ang hirap magadjust..super nagbago life at lifestyle ko..namiss ko barkada ko..namiss ko traffic at pollution sama mo na ang init ng pinas..after a while my parents decided na pabalikin muna sa pinas ang mga sisteret ko at dun icontinue ang studies nila..ayaw kasi nila dito magaral..so go ang mga sisteret sa pinas with mother dear..aba next thing i know stay muna din daw si mother dun..apply nalang daw sila ng re entry permit (6 months lng kasi max na pwede ka lumabas ng US.pero pag may re entry max of 2 years pede)..at first parang gusto ko na din bumalik muna kaso nasayangan naman ako sa opportunity ko dito..pagkatapos ng ilang bwan na pasyal pasyal naghanap na ko ng work..sa awa at tulong ni Papa God nakahanap naman ako..unti unti na akong nakaadjust tapos nagkafriends na din ako..bonus na din na puro pinoy friendly friends ko..nakilala ko na din si Pat...then nagdecide si father dear na magmove sa ibang state...i decided na magstay dito sa frisco..ayoko na magadjust ulit at shempre dahil na din kay boyplen...okay naman ako dito kasi may work naman ako i guess mabubuhay naman ako..go si father sa ibang state while ang beauty ko stay sa frisco..at first mahirap magisa lalo na kung nasanay ka na may kasama..i need to work para may pambayad ng bills, bahay at kung anu ano pa..
okay nmn ung munting tirahan ko..asa silong ako (in-law ang tawag dito)..kumbaga ung garage nila ginawan nila ng parang isa pang bahay...it's a one bedroom inlaw..i have my own bathroom, own mini sala, own mini dining room at own kitchen (oo mini lahat!!sabi nga nila dahil mini lang din naman ako).okay naman ako..natuto ako magbudget ng money,maglaba (shempre with the help of washing machine and dryer), magtiklop ng damit, maglinis ng bahay (sama mo pa banyo) at higit sa lahat magluto..sa pinas kasi asa lang sa yaya lahat..

every year umuuwi ako sa pinas with pat (ayaw ako pauwiin magisa dahil baka daw maghasik ako ng lagim..hehehe) para magrelax at makasama sina mader at mga friendly friends ko..nakakapagod din magaral at magtrabaho (full time student at fulltime din po ko sa work dito)..atleast ngayon work nalang ako kasi tapos na school ko dito..medjo magaang na..excited na ako magmarch at december (next year pa po!!) kasi uuwi ulit ako pinas..dalawang beses ako uuwi (sosyal ko no?!!pinagiipunan ko pa po..kaya kung sino gusto magbigay ng donasyon pakiemail nalang po ako..hehehe) next year..ikakasal kasi si besprend ko at napromise ang lola nyo na uuwi sha..magastos umuwi pro masaya..di mapapalitan ng pera ang kasiyahan na makita at makasama ang malalapit sa buhay mo..(drama ko na ata..kakapanood to ng khit isang saglit sa TFC)

Pat, thank you for being there for me all these years..i really appreciate it..pasensha na kung minsan inaatake ako ng topak ko..aylabyu..



Papa God, salamat po sa lahat ng blessings na binibigay nyo..maraming salamat po at shempre aylabyu din po..



4 loves me:

bloom said...

puro pat! malandiiiiiiiii! hahahahahaahha.. oo pagipunan mo yang ticket mo para masabunutan kita ng bonggang bongga paguwi mo dito! hahahaha!

lovalot said...

# bloom- hahaha..pagbigyan mo na ko at may hang over pa ko from yesterday..hehehe..

Mel Alarilla said...

Hi Lovalot,
May I invite you to please join Filipinos Unite!!!. You may do so by commenting on my blog or by sending an email at melalarilla@gmail.com stating your name, address, name of blog and its url. Thanks and God bless.

Mike Avenue said...

Hirap din ng ganyan. Bagay, lakasan lang ng loob iyan. Buti anjan si Love para support.

Ingat lagi. Regards kay Pareng Barack.

 
LoV - A - LoT © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina