2.04.2009

TAGLI.....mot

ni-tag ako ni pilar..dahil sa mabait (at bored na din) gagawin ko na..


simple lang ang direction.pang grade 1 kumbaga..maglagay daw ng 10 facts about u..9 is true tapos ung 1 false ( i mean not real)..ok, game na!!

1. sumali ako sa little ms. philippines (ung sa eat bulaga) nung circa '80..kabatch ko sina aiza s..umabot ako sa finals. tapos nung final day, di ako nagtalent..naginarte ako..umiyak lang ako sa backstage at di tinuloy ang laban..galit na galit nanay ko..lol

2. di ko alam kung masipag ako magaral o masipag lang ako mangopya. unang course ko psychology.i graduated nung 2003. then last year nagaral ulit ako..nursing naman..awa ni Lord natapos ko sha..

3. mahilig ako magcar race..kung saan saan ako nakakarating dahil sa mga race na yan..gusto ko nung adrenaline rush...gusto ko matutuhan ang drifting..

4. i own a gun (totoong gun po)..nahilig kasi ako sa gun before..ngayon ayun, nakatago sa cabinet at may susi pa..baka kc magdilim ang isip ko eh (warfreak ang dating)..lol

5. iyakin ako..sobrang babaw ng luha ko..minsan nanonood lang ako ng soap opera sa TFC naiiyak na ako o kaya may contestant sa wowowee na nakakaawa naku panigurado sumisinghot singhot na ako..

6.  mabubuhay ako kahit pansit lang ang pagkain ko..kahit anong klase gusto ko, mapa canton instant man o hindi, bihon, palabok at kung anu ano pa..nakakarating ako sa bulacan from cavite makakain lang ng pansit....samahan mo ng soda o khit pop cola (too bad walang pop cola dito) na malamig..solve na ako.. 

7. may tattoo ako..dalawa sha..chinese character..tagal ko tinago kasi feeling ko magagalit nanay at tatay ko..nung nakita nila tinanong lang ako ano ibig sabihin nun..tapos deadma na..may eksena pa na pinagmalaki ng nanay ko sa mga friends nya na may tattoo ang paborito nyang anak..

8. Bilib ako sa mga guys na nagpapakita ng emotion (basta hwag naman ung OA)..di sila natatakot umiyak sa harap ng ibang tao....di sila natatakot na baka masira ang image nila.."only tough guys can show their true emotions". gusto ko ung guy na parang tough pero may hidden na gayness..

9.  malakas ako mangasar..pero i know naman when to stop at pinipili ko yung inaasar ko..minsan di din obvious na ikaw ung pinatatamaan ko..i love it kapag ung inaasar ko inaasar din ako..bawal ang pikon..sabi nga ng nanay ko sutil ako..

10. nung maliit ako, actually hanggang ngayon maliit pa din ako, so let me rephrase my sentence.. nung mas maliit ako  tuwing summer ineenroll ako ni mother dear sa kung ano ano..sabi nya para daw may paglibangan ako..nag piano lessons ako, guitar, ballet, painting at swimming..awa ni Lord wala akong nakahiligan jan except swimming..

ayan natapos ko din..dumugo ang brains ko at kumulot ang bangs ko dahil sa tag na ito..wala akong itatag..khit sino pwede gawin ito..


7 loves me:

Cutter Pilar said...

lol.

- sosyal. car race. astig ang adrenalin rush. gusto ko din mga bungee, sky dive, etc.
- sayang ang little miss philippines mo. tsk.
- scared ako sa gun. tama na ang cutter at gunting para sa akin. lol.
- i envy your tatoo.... hahaha. pag nagkaanak na ko tsaka ako papatatoo! :D

salamat sa pagsagot lovey :D

taps said...

You forgot to write that you're a bully.

Rockstar with a touch of gayness ba hanap mo? LOL

Babe see you in two weeks. :) I love you.

lovalot said...

PILAR: mahilig talaga ako sa adrenaline rush. mga kamaganak ko lang ang may gusto ako sumali ng little ms..nakatago na si gun at plano ko na ibenta..pagisipan mo mabuti ang pagpapatattoo.nakakaadict..parang plurk..

TAPS: binubully ko ang mga taong masungit.lol.oo, gusto ko ung rockstar na may gayness..bkit may angal ka???lol..see you soon..

p0kw4ng said...

at alin dyan ang mali?? hihihi tsismosa ako!

utoysaves said...

nakakatakot ka pala, lov, gun owner ka pala! parang angelina jolie lang.ü

teka, paano pala yung barumbado na may pagka-gay? as in puro tatoo, then yung kilay eh tattoo din?ü

nice knowing you better, lov!

taps said...

may mga offline messages ako sayo sa YM, i dont know kung mababasa mo to. ingat papasok sa work.

if makuha mo na yung phone mo before or after work, call me.

di ako mapakali ng di kita nakakausap.

LoV said...

ate poks: hulaan mo kung anu ang di true jan..may prize ka sakin..lol

utoy: responsible gun owner po ako..

taps: =(

 
LoV - A - LoT © 2008 Template by Exotic Mommie Illustration by Dapina